Ayuda sa mga biktima ng gumuhong supermarket sa Porac ipinamahagi

0
50

Natanggap na ng mga empleyadong biktima ng gumuhong supermarket sa Porac, Pampanga ang ayuda mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, naibigay na nila ang cash assistance mula sa Employees Compensation Commission (ECC) na nagkakahalaga ng P10,000 kasabay ng paggunita ng Labor day.

Ang ilan umano sa mga tumanggap ay mga kaanak ng mga empleyado ng Chuzon Supermarket na nasa ospital pa ngayon.

Bukod sa tulong pinansyal, nakatanggap din sila ng grocery items mula rin sa ECC.

Magugunitang gumuho ang naturang pamilihan matapos tumama ang 6.1 na lindol sa Luzon noong Abril 22.