Sunday, April 28, 2024

Presyo ng ilang pangunahing bilihin naka-ambang tumaas

- Advertisement -

Nakaambang tumaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin ngayong weekend.

Ito ay matapos payagan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-akyat sa presyo ng ilang brand ng sardinas, instant noodles, bottled water at ilang pampalasa o condiments.

Asahan umano ang P0.50 hanggang P1.00 na dagdag-presyo sa kada lata ng atami, family, master, mega at mikado.

Habang P1.35 naman hanggang P1.70 naman ang pagtaas sa kada lata ng mga imported na brand na rosebowl at saba.

Asahan naman ang P0.20 hanggang P0.45 na dagdag sa kada pakete ng lucky me at payless.

P0.20 hanggang P0.45 naman ang patong  sa kada container ng toyo at patis.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, bagamat hindi na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng ilang mga nabanggit na produkto, may ilan pa rin na maaaring pagpilian sa mga pamilihan na hindi apektado ng price increase.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -