Habagat apektado pa rin ang Luzon; 2 bagyo sa labas ng PAR binabantayan

0
50

Asahan pa rin ang pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ngayong araw dahil sa southwest monsoon o habagat.

Ayon sa PAGASA, kabilang sa maaaring maapektuhan ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Batanes, Babuyan Group of Islands, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at Northern Palawan.

Dahil dito, nanganganib na maranasan muli ang flashfloods at landslides sa mga naturang lugar sakaling lumakas ang pag-ulan.

Samantala, dalawang bagyo sa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang mino-monitor ng PAGASA.

Huling namataan ang bagyong may mga international name na Soulik sa layong 1,780 kilometro silangan, hilagang-silangan ng dulong Hilagang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 160 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 195 kilometro kada oras at kumikilos pa-kanluran.

Ang isa pang bagyong may international name na Cimaron ay nasa layong 3,120 kilometro silangan ng Luzon at may lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 90 kilometro kada oras at kumikilos pa-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

—-