Monday, May 6, 2024

Guevarra tinalaga bilang OIC ng bansa habang nasa Russia si Duterte

- Advertisement -

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Justice Secretary Menardo Guevarra bilang officer-in-charge ng bansa habang siya ay nasa Russia para sa ilang araw na state visit.

Kasunod ito ng Official Visit ng pangulo sa Moscow at Sochi, Russia mula ngayong araw, Oktubre 1, hanggang Oktubre 6.

Sa inilabas na Special Order number 1061, inatasan siGguevarra na pangasiwaan ang bansa habang wala ang Pangulo sa Pilipinas.

Pirmado mismo ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang naturang special order ng punong ehekutibo.

Magiging highlight ng Russian trip ng pangulo ang bilateral meeting nito kay Russian President Vladimir Putin kung saan inaasahan naman ang paglagda sa mga kasunduang may kinalaman sa kooperasyon sa kultura, kalusugan, at basic research.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img