5 sugatan at 3 Pinoy ang nawawala sa pagguho ng isang tulay sa Taiwan —MECO

0
19

Kabilang ang ilang Pinoy sa mga nasugatan matapos mag collapse ang isang tulay sa Taiwan.

Kinumpira ng Foreign Office ng Taiwan na anim (6) na Pinoy ang sugatan at tatlo (3) pa ang kasalukuyang nawawala.

Magkaiba naman ang tala ng otoridad ng Taiwan sa Manila Economic and Cultural Office (MECO), ang embahada ng Pililipinas sa Taiwan.

Ayon kay MECO chief Lito Banayo, limang (5) Pilipino ang nakapagtamo ng minor injuries at tatlo (3) Pinoy pa ang nawawala.

Dagdag pa ni Banayo, may mga Pinoy na halos pitong (7) oras nang nakalubog sa ilog na pinagbagsakan ng tulay.

Ito’y dahil hindi ma-i-angat ang fishing vessel na lulan ng mga nasabing na trap na Pinoy dahil sa sobrang bigat ng dumagang tulay.

Ang tulay na isang tourist attraction sa Suao, Yilan, Taiwan ay nag-colapse kaninang umaga matapos ito daanan ng isang malaking truck.