29.7 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Guanzon nais na isama sa 1-year appointment ban ang mga party-list nominee

- Advertisement -

Naniniwala si Commission on Elections o COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na dapat ay sakop ng one year ban ang bagong talagang si OWWA Deputy Administrator Mocha Uson.

Ayon kay Guanzon, ipapanukala niya sa Senate Committee on Electoral Reforms na isama maging ang mga kinatawan ng tumakbong partylist group sa ipinapataw na isang taong ban bago maitalaga sa anomang political position.

Iginiit ni Guanzon na hindi dapat itangi ang mga tumakbong kinatawan ng partylist group dahil tulad ng ibang kandidato ay sumabak din sila sa eleksiyon.

Matatandaang si Uson ang first nominee ng partylist group na AA- Kasosyo na natalo noong May 2019 elections.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -