GSIS ipatututpad na ang paperless transaction simula sa Hulyo

0
49

Ipatutupad na ng GSIS o Government Service Insurance System ang paperless transaction simula sa darating na Hulyo.

Ayon kay Jesus Clint Aranas, Presidente at General Manager ng GSIS, ito ay upang mabawasan na ang ginagastos ng ahensya sa papel.

Anya, magiging mas mabilis ang mga transaksyon sa pagitan ng mga iba pang ahensya at pag-sasaayos ng mga dokumentong isinusumite.

Sa ilalim ng hakbang na ito ng GSIS, mas magagamit ng ahensya ang Electronic Billing and Collection System.