Tiniyak na ligtas ang Website matapos ma Hack noong lunes – BOC

0
37

Tiniyak ng BOC o Bureau of Customs na ligtas ang kanilang Website matapos itong Ma-Hack ng mga hindi pa nakikilalang indibidwal, noong Lunes Hunyo 24.

Ayon kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, mayroong 6 na bagong Information Systems na inilabas para sa naturang Website, at maayos namang gumana ang mga ito.

Maliban dito, nakipag ugnayan na rin ang ahensya sa National Computer Response Team para masigurong hindi na muling magagalaw ng mga Hackers ang kanilang Website.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Guerrero na ang nangyaring panghahack na ay isang pagtatangka na guluhin ang operasyon ng customs.

Sa ngayon, kasalukuyan namang suspended ang Website ng BOC.