House Minority Leader Suarez hinikayat ang pamahalaan na muling buhayin ang Sumag River Diversion Project ng Quezon

0
45

Hinikayat ni outgoing House Minority Leader Danilio Suarez ang pamahalaan na muling buhayin ang Sumag River Diversion Project sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Suarez, malaki ang maitutulong ng naturang proyekto upang maalalayan ang pangangailangan ng Metro Manila sa suplay ng tubig… na kasalukuyang dumaranas na matinding krisis sa suplay ng tubig.

Aniya, taong 2016 nang suspindihin ang naturang proyekto kung saan maari sana itong pakinabangan ng publiko.

Matatandaang, noong nakaraang linggo lamang ng bumagsak sa Critical Water Level ang tubig sa Angat Dam na siya namang nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.