- Advertisement -
Pasok na sa 2nd round ng FIBA Basketball World Cup ang Greece matapos nitong ilampaso ang New Zealand sa iskor na 103 -97.
Namayagpag naman sa paghaharap ng dalawang kopona ang NBA most valuable player na si Giannis Antetokounmpo matapos nitong makapagtala ng 24 na puntos, 10 rebounds, 6 na assists at 2 steals.
Nakatakda namang makaharap ng Greece sa second round ng FIBA World Cup ang USA, Brazil at Czech Republic.
- Advertisement -