31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Graduation rites para sa magsisipagtapos na grade 6 students tuloy—DepEd

- Advertisement -

Binigyang-diin ng Department of Education o DepEd na tuloy ang pag-martsa ng mga mag-aaral sa elemetarya na magtatapos ng grade 6 ngayong 2019.

Ginawa ng kagawaran ang pahayag matapos ang inilabas na DepEd memorandum na nagsasabing grade 12 students lamang ang mag-mamartsa at mabibigyan ng diploma.

Agad namang humingi ng paumanhin sa mga magulang ang DepEd makaraang kwestyunin ang inilabas nitong memo.

Matatandaang, nakasaad sa February 18 memo ni Education Sec. Leonor Briones na wala nang magaganap na graduation para sa kindergarten, grade 6 at grade 10 dahil nasa ilalim na ito ng lumang basic education system.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -