Saturday, May 4, 2024

State of calamity ipinatupad sa 5 bayan ng N. Cotabato dahil sa tagtuyot

- Advertisement -

Limang bayan sa North Cotabato ang isinailalim na sa state of calamity dahil sa matinding init na nararanasan doon dulot ng El Niño phenomenon.

Sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council warning at action officer engineer Arnulfo Villaruz, binubuo ang mga bayan na ito ng Alamada, Aleosan, Mlang, Tulunan at Pikit sa lalawigan ng Cotabato.

Sa datos ng PAGASA, kabilang ang region 12 sa dumanas ng low amount of rainfall at apektado ang lahat ng munisipyo doon dahil sa tagtuyot.

Ayon kay Villaruz, apektado narin ang mga pananim ng maraming magsasaka sa North Cotabato.

Bunsod nito, tiniyak naman ng PDRRMC na sinimulan na nila ang pamamahagi ng tulong sa mga bayan na labis na naapektuhan ng matinding init.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img