Sunday, May 5, 2024

DOH nanawagan sa publiko na sundin ang kanilang ‘4S’ campaign vs. dengue

- Advertisement -

Matapos na tumaas ang kaso ng dengue, muling hinimok ng Department of Health o DOH ang mga Pilipino na na sumunod sa “4S” campaign ng gobyerno na kinabibilangan ng Search and Destroy, Self-Protection Measures, Seek Early Consultant at Say No to Indiscriminate Fogging.

Batay sa datos ng DOH,. umakyat sa 223 percent ang dengue cases sa bansa sa unang dalawang buwan ng 2019.

Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque, tuloy-tuloy ang kanilang panawagan sa publiko na laging linisin ang mga lugar na maaring pamugaran ng mga lamok upang maiwasan ang naturang sakit.

Sa report ng DOH, mula January 1 hanggang February 16 ng kasalukuyang taon, pumalo na sa mahigit 31,000 ang dinapuan ng dengue.

Naitala ang pinakamataas na kaso ng naturang sakit sa  Central Visayas, na sinundan ng CALABARZON.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img