Saturday, May 4, 2024

Lebel ng tubig sa Angat dam muling nabawasan

- Advertisement -

Muling nabawasan ang water level sa Angat dam.

Batay sa datos ng PAGASA Hydrology Division, naitala ang 169.41 meters na antas ng tubig sa Angat dam kaninang ala sais ng umaga.

Mas mababa ito kumpara sa 169.63 meters na naitala kahapon ng umaga.

Maliban dito, bumaba rin ang lebel ng tubig sa Binga dam, San Roque dam, Pantabangan dam at Caliraya dam.

Wala namang naging pagbabago sa La Mesa dam sa nakalipas na 24 oras kung saan nanatili ito sa 68.98 meter.

Nadagdagan naman ang water level sa Ipo dam, Ambuklao dam at Magat dam.

—-
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img