Sunday, May 5, 2024

Gov. Migz Villafuerte Ng Camarines Sur, Sa Iriga City Na Boboto

- Advertisement -

Iriga City – Isa ng botante sa Lungsod ng Iriga si Gov. Miguel Luis “Migz” Villafuerte ng Camarines Sur matapos na tuluyang aprobahan ng Comelec-ERB ang kangyang transfer mula sa bayan ng Pili.

Ito ang masayang ibinalita ni Vice Mayor Rex Oliva na sa simula pa lamang ay marami ng kalaban ang pumupuna na kahit ang pagkuha ng Residence Certificate ay hinde binigyan ang three-termer governor sa City Hall.

Una ng napa-ulat ang pagtakbo ng Gobernador bilang Congressman sa ika-limang distrito ng lalawigan kung saan kasama ang kayang bagong bahay sa Brgy. San Nicolas.

Ang Iriga City ay siyang nagbigay sa kanya ng malaking boto noong 2016 Local Election at tumalo kay Dating Cong. Nonoy Andaya ng First District ng lalawigan.

Una rito ay napabalita na rin ang pag-transfer ni Vice Pres. Leni Robredo mula sa Lungsod ng Naga papuntang Canaman, Camarines Sur na nagpalakas sa maugong na balita na ito’y tatakbo bilang Gobernador ng Camarines Sur. (Melvin F. Barayoga, RPN DZKI Iriga OIC, photo courtesy by VM Rex Oliva)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img