Sunday, May 12, 2024

Gordon naglabas ng ebidensya sa pagpasok ng maraming Chinese nationals sa bansa

- Advertisement -

Naglabas ng ebidensya si Sen. Richard Gordon kaugnay sa pagpasok ng napakaraming Chinese national sa Pilipinas.

Sa video post sa twitter, ipinakita ni Gordon ang kuha ng kaniyang crew na sumunod sa mga van at coaster na nagsisilbing transport vehicle ng mga Chinese POGO worker.

Makikita rito na sa unang bahay na hinintuan ng isang van bumaba ang nasa 12 Chinese national na naka-face mask at pumasok sa pinto.

Sa ikalawang bahay naman ay may pumasok na 19 na Chinese habang sa ikatlong bahay ang may pinakamaraming dumating.

Mayroon 21, 14 at 18 Chinese sa bawat paghatid ng mga coaster sa naturang bahay.

Ayon kay Gordon isang malinaw na paglabag ito sa batas dahil ang nasabing village ay nasa R1 category na ang ibig sabihin ay isang pamilya lamang dapat ang naninirahan sa isang bahay.

Nagkakaroon din umano ito ng implikasyon na hindi na ligtas ang naturang lugar dahil sa paiba-ibang nakatira dito na nagmistulang “multi-national village”.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -