Gobyerno ‘di pa maghihigpit sa mga Chinese nat’l na bibisita sa bansa

Gobyerno ‘di pa maghihigpit sa mga Chinese nat’l na bibisita sa bansa

by Powered by DWIZ
32 views

Hindi pa maghihigpit ang pamahalaan sa Chinese national na bibisita sa bansa.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, wala pang pinal na desisyon hinggil sa travel restriction sa mga Chinese national, kaugnay pa rin ng banta ng Coronavirus.

Sinabi ni Duque, masusi pa nilang pinag-aaralan ng World Health Organization (WHO) ang pagpapatupad ng travel restriction, lalo na’t ang China mismo ang dapat na pumigil sa kanilang mamamayan sa pagbiyahe palabas ng China.

Sa ngayon, tiniyak naman ng kalihim na patuloy ang pakikipag ugnayan ng d-o-h sa w-h-o hinggil sa mga dapat na ipatupad upang hindi na kumalat pa o makapasok sa bansa ang nasabing virus.

0 comment

Related Posts