DOH nagpaalala vs. Coronavirus

DOH nagpaalala vs. Coronavirus

by Powered by DWIZ
59 views

Dapat na agad na magpasuri sa mga doktor ang sinumang makararanas ng sintomas ng Coronavirus.

Ito ang paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko lalo na’t dumarami ang nagpositibo sa bagong usbong at hindi pa natutukoy na Coronavirus sa China.

Ayon kay Health Spokesman Undersecretary Eric Domingo, kabilang sa sintomas ng Coronavirus ay ang lagnat, hirap sa paghinga, pati na ang ubo’t sipon.

Sinabi ni Domingo na dapat magsuot rin ng face masks ang publiko upang maprotektahan ang kanilang mga sarili mula sa naturang virus.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Domingo na mananatiling naka-alerto ang DOH hinggil sa banta ng Coronavirus.

0 comment

Related Posts