5 Cabinet positions posibleng mabakante na sa susunod na araw ayon kay Pangulong Duterte

0
57

Posibleng mabakante na ang 5 cabinet positions sa mga susunod na araw, kaugnay ng nakakasang mini-revamp sa hanay ng mga Gabinete.

Ito mismo ang kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos maghain ni Agriculture Sec. Manny Piñol ng courtesy resignation.

Ayon sa Pangulo, walang dapat na ipag-alala ang isang cabinet member kung hindi naman ito sangkot katiwalian, dahil ang nag-babadyang pagbabago sa hanay ng mga miyembro ng gabinete ay may kinalaman sa isyu ng korapsyon.

Una rito, napaulat rin na kasalukuyang isinasailalim sa performance review ang lahat ng miyembro ng Gabinete, at ng iba pang pinuno ng iba’t-ibang kagawaran.

Samantala, nilinis naman ng pangulo si Piñol sa isyu ng korpasyon, at nais lamang niyang magpokus ito sa Mindanao.