Global lockdown posibleng maapektuhan aabot sa 2.6-B katao dahil sa COVID-19

0
15

Aabot sa 2.6-B katao sa buong mundo ang posibleng maapektuhan ng lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay kung sakaling mag patupad na ng panibagong health protocols ang india para matugunan ang COVID-19 global pandemic.

Sa ngayon kasi tanging ang mga bansang Britain, France, Italy at Columbia pa lamang ang nagpapatupad ng mandatory confinement habang ang ibang bansa naman sa ibang panig ng mundo ay nagpapatupad lamang ng mahigpit na quarantine protocols, curfews at iba pang health protocols.