Friday, May 3, 2024

CPP-NPA nag-deklara na ng ceasefire dahil sa COVID-19 outbreak

- Advertisement -

Nag-deklara na ng ceasefire o tigil putukan ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) dahil pa rin sa kinahaharap na panganib ng bansa, bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Epektibo ang tigil putukan simula bukas, Marso 26  hanggang sa Abril 15.

Batay sa pahayag na inilabas ng CPP at NPA, ang desisyon na ito ay kanilang ‘humanitarian gesture’ sa harap ng seryosong problemang pangkalusugan na kinahaharap ng Pilipinas.

Kaugnay nito, iginiit din ng CPP-NPA ang pagpapalaya sa mga political prisoners sa ngalan ng umano’y pagkakabuklod-buklod sa gitna ng pandemayang COVID-19.

Matatandaang una nang nag-alok si Pangulo Rodrigo Duterte ng tigil putukan sa cpp-npa.

Una rito, sinang-ayunan naman ni CPP-NPA founding Chairman Joma Sison ang panawagang tigil-putukan ng  United Nations (UN).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img