Duterte pinamamadali ang paghahatid ng mga medical supplies dahil sa COVID-19

0
15

Pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghahatid ng mga medical supplies sa harap ng tumitinding sitwasyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). sa bansa.

Ayon sa pangulo, dapat na kumilos na ang mga kaukulang ahensiya ng gobyerno upang matiyak na hindi mababalam ang paghahatid ng mga basic medical supplies at equipments sa mga pasilidad pangkalusugan sa bansa.

Aniya, wala dapat dapat masayang na oras simula sa pag-apruba, hanggang sa importasyon at paghahatid ng mga ito.

Kaugnay nito, muling umapela si Pangulo Duterte sa sambayanang Filipino na mahigpit na sumunod sa mga umiiral na health protocols ng gobyerno upang manatiling ligtas sa panganib ng virus.