DFA office sa SM Megamall sarado muna para sa disinfection vs. COVID-19

0
26

Pansamantala munang isasara ngayong araw ang tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa may SM Megamall.

Ito ay upang bigyang daan ang disinfection process bilang pag-iingat na rin sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa pahayag na inilabas ng DFA, sinabi nito na dapat magpa-schedule ng bagong appointment ang mga maapektuhang aplikante, kung saan nanghingi naman ito ng pang-unawa ng publiko.

Sa ngayon, tiniyak naman ng DFA na magbubukas na muli bukas, ang DFA National Capital Region-East Consular Office.