Ilang kumpaniya ng langis nagsunuran na sa ikinasang bigtime oil price rollback

0
53

Nag-anunsyo na rin ng rollback sa presyo ng mga produktong petroyo ang ilang mga kumpanya ng langis.

Sa abiso ng Petro Gazz, epektibo ala 6:00 ng umaga sa Martes, Hunyo 4, magpapatupad sila ng piso at singko sentimong kaltas sa presyo ng kada litro ng kanlang diesel.

Habang piso at singkwenta sentimos ang bawas sa bawat litro ng kanilang gasolina.

Una nang nagpatupad ng kaparehong rollback sa presyo ng kanilang mga produkto ang Phoenix Petroleum alas 12:00 ng tanghali, kahapon. Sabado.

Samantala, wala pang abiso ang ilang kumpanya ng langis.