Monday, May 6, 2024

General Santos: Temporary Exemption Ng Local Transport Sa StaySafe.ph, Inihirit

- Advertisement -

General Santos City – Idineklarang urgent ng Sangguniang Panlungsod ang pagpasa ng isang panukala na mabigyan nang palugit na panahon ang mga nasa public transport sector sa paggamit ng government’s official contact tracing application na StaySafe.ph.

Sa ilalim ng proposed resolution SPPR No. 1921-02165 ni City Councilor Jose Edmar Yumang, hiniling nito sa Local-IATF na mabigyan ng time allowance ang transport sector at ang mga commuters na walang mga andriod o smart phones para maka-rehistro at magamit ang naturang tracing platform.

Una nang ipinag-utos ng Department of  the Interior and Local Government sa mga local government units  na bawiin ang kani-kanilang contact tracing systems at sa halip ay gamitin ang StaySafe.ph application.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, pwedeng gamitin ng mga LGUs ang official digital contact tracing system ng national government sa halip na magpatupad ng kanya-kanyang plataporma.

Ang hakbang na ito aniya ay paghahanda para sa full implementation ng national contact tracing system na makakatulong sa trabaho ng 255,000 contact tracers sa buong bansa.

Walang gagastusin ang mga LGUs sa paggamit ng StaySafe app.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img