Thursday, May 30, 2024

General Santos: Housing Czar: No Relocation Site For Saeg Fire Victims

- Advertisement -

General Santos City – Aabutin pa umano ng ilang taon bago mailipat sa mga relocation sites ang mahigit 500 displaced families sa nangyaring sunog sa Purok Saeg, Barangay Calumpang.

Visit RPN DXDX General Santos

Sinabi ni City Housing Land Management Office chief Mary Ann Tan na hindi na papayagan ng barangay at city government ang naturang mga pamilya na makabalik sa dating tinitirhan na isang private property.

“Years before pa, naa nay negosasyon for them to be relocated. Pero sa negosasyon, wala gyud na mag-push through. Kay mao lagi na ang katawhan, mohawid gyud sa pagtuo nga years na sila, dugay na sila. Pero titled property man gud na,” ayon sa city housing czar.

Dagdag pa ni Tan, sa ngayon ay wala pang lugar na puwedeng paglipatan ng mga apektadong residente dahil okupado na rin ng bagong settlers ang itinayong relocation site sa Guardian Hills, Barangay Bawing.

“To be honest katong mga units sa Guardian Hills was already occupied. Murag mo-plano pa ta asa  mo-purchase. To be honest, walay relocation site ang city.”

Bagama’t mayroon umanong nakalaan na ₱ 100-million na pondo ang city government, pero natitengga ang negosasyon sa pagbili ng lupa dahil hindi nagkakasundo sa selling at appraisal price ang LGU at property owners.

“Naay gina-offer sa city, pero medyo taas-taas sa presyo base sa appraisal. We are talking aning Ngilay property somewhere sa Barangay Tambler. Pero mao lagi to, pag-abot sa selling ug appraisal, dili gyud mag-uyon,” dagdag ng opisyal.

Tinukoy pa ni Tan ang sitwasyon ng mga residenteng naapektuhan sa nangyaring 2011 fire incident sa Lower Puting Bato, Barangay Calumpang na inabot nang mahigit dalawang taon bago nahanapan ng relocation area ang mga displaced families.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -