GCTA ‘di magiging ‘back door mechanism’ ng mga bilanggo – DOJ

0
48

Hindi magiging back door mechanism ng mga nasa piitan ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) para sila ay makalaya.

Ito ang siniguro ng Department of Justice (DOJ) kaya bumuo ang ahensya ng joint committee kasama ang Department of Interior and Local Government (DILG).

Pag-aaralan ng naturang joint committee ang mga probisyon ng GCTA sa loob ng 10 araw.

Ayon naman kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kanila ng pinag-aaralan ang implementing rules and regulation ng naturang batas upang matiyak na ang mga kwalipikado lamang dito ang makalalabas ng piitan.