Faeldon panahon na para magbitiw sa puwesto — SP Sotto

0
49

Panahon na para magbitiw sa puwesto si Bureau of Corrections Chief Nicanor Faeldon.

Ito ang naging reaksyon ni Senate President Vicente Sotto III kaugnay ng isiniwalat ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na may apat na Chinese drug lords ang pinalaya ng BuCor.

Ayon kay Sotto, maituturing na “blessing in disguise” ang nabunyag na paglaya ng convicted murderer at rapist na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez sa ilalim ng RA No. 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) dahil nadiskubre rin ang paglaya ng ilang convicted drug traffickers.

I-revamp ‘yang buong BuCor na ‘yan, oo, syempre, lahat sila, lahat ng pfficial doon, dahil hindi pwedeng may kumilos diyan na hindi nila alam lahat, e. Ano ‘yon? Na-hack ang mga ballpen nila?,” ani Sotto.

Kaugnay nito sinabi rin naman ni Sotto na dapat rin magsagawa ng revamp sa mga opisyal ng BuCor dahil malinaw na hindi naipatutupad ang mandato nito, at hindi naipatutupad ng tama ang GCTA.

Blessing in disguise siguro yung lumitaw yung kay Sanchez sapagkat biglang nabisto na marami na pala silang pinakawalan diyan. Ang nangyari, e, sinisira yung interpretasyon nila, sinisira yung espiritu, intensyon nung batas,” ani Sotto.

Sa ngayon, sinabi rin naman ng Senate President na sakaling isnabin ni Faeldon ang pagdinig ng senado hinggil sa naturang isyu, ay ipauubaya na lamang niya sa senado kung ipa-susubpoena ito.

Mahirap pong pangunahan ng senado kung ano ang gusto nilang gawin diyan, tiyaka maraming pwedeng mangyari diyan, ang nasa isip ko, na dapat bigyan din natin ng pansin paano ang gagawin natin doon sa pinalabas na nila,”ani Sotto.

(IZ Balita Nationwide Sabado Interview)