LGUs hinikayat na bilhin ang mga produkto ng mga magsasaka

0
47

Hinikayat ni Senador Francis Pangilinan ang mga lokal na pamahalaan sa mga lalawigan na bilhin ang mga nakaimbak na produkto ng mga magsasaka.

Ito ay matapos ibunyag ng National Food Authority (NFA) na mayroong 4-M sako ng bigas sa kanilang mga imbakan.

Ayon kay Pangilinan, sobra na raw ang hirap na dinadanas ng mga magsasaka at mga konsyumer dahil sa napakataas na presyo ng mga bilihin.

Kailangan aniyang palitan ang mga naka imbak sa mga bodega at bilhin ang mga bagong ani ng mga magsasaka.

Matatandaang sinabi ni NFA Administrator Judy Dansal na nakapag-import ng makalaking halaga ng palay ang pamahalaan ngayong taon.