Galvez itinalaga ni Duterte bilang COVID-19 response czar

Galvez itinalaga ni Duterte bilang COVID-19 response czar

by Powered by DWIZ
37 views

Itinalaga ni Pangulo Rodrigo Duterte si Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr., bilang coronavirus disease 2019 (COVID-19) response czar.

Sa pahayag na inilabas ng  Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF), nakasaad na ang hakbang na ito ay upang mapangasiwaan ng tama ang mga umiiral na alituntunin at patakaran sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Ayon naman kay Executive Sec. Salvador Medialdea, magiging tungkulin din ni galvez ang pagtitiyak na sa kaligtasan at kalusugan ng publiko, partikular na ang mabilis na pagpapa-abot ng tulong pinansiyal, gamot, pagkain at iba pang uri ng ayuda sa mga pinaka-na apektuhan ng COVID-19.

0 comment

Related Posts