PDP-Laban hindi aaksyunan ang naging paglabag ni Pimentel sa quarantine protocols

PDP-Laban hindi aaksyunan ang naging paglabag ni Pimentel sa quarantine protocols

by Powered by DWIZ
24 views

Hindi aaksyunan ng PDP-Laban Party ang naging paglabag ni Senador Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa quarantine protocols.

Sa isang pahayag, sinabi ni Deputy Speaker Johnny Pimentel, Spokesperson ng PDP-Laban na hindi sila magkakasa ng anumang imbestigasyon sa naging aksyon ng senador.

Magugunitang, umani ng batikos si Pimentel matapos niyang samahan ang kaniyang manganganak na asawa sa Makati Medical Center (MMC) sakabila ng kaniyang pagiging positibo sa coronavirus disease disease (COVID-19).

Sinabi ng House Leader na hindi pa naman alam ng senador na positibo ito sa COVID-19 nang magtungo ito sa ospital.

Dahil dito, sinabi ng House Leader na walang dahilan para imbestigahan nila ang senador lalo’t tiwala silang hindi naman ito nagpabaya.

Una rito, matatandaang bago pa man malaman ng senador ang resulta ng kaniyang pagsusuri, nasa ilalim ito ng mahigpit na self-quarantine protocols dahil maituturing na persons under investigation (PUI) ang senador matapos na makasalamuha ang isang nag positibo sa COVID-19.

0 comment

Related Posts