BOC nakumpiska ang overpriced alcohol, PPE na aabot sa P5-M halaga sa Maynila

BOC nakumpiska ang overpriced alcohol, PPE na aabot sa P5-M halaga sa Maynila

by Powered by DWIZ
20 views

Aabot sa P5-M halaga ng overpriced alcohol at personal protective equipment  (PPE) ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa Binondo, Manila.

Ito ay matapos na salakayin ng mga tauhan ng BOC ang isang tindahan san Nicolas sa Binondo, Maynila kung saan narekober din ang mga facemasks, gloves, goggles, alcohols, thermal scanners, test tubes at syringes.

Ayon sa BOC, nag-ooperate online ang nasabing tindahan kung saan ibinibenta nito ang mga nasabing produkto sa mas mataas na halaga.

Sa ngayon, binigyan BOC ng labing limang araw ang may-ari ng nasabing tindahan para makapag-prisinta ng kaukulang dokumento para sa mga nakumpiskang mga gamit.

0 comment

Related Posts