Gallentes idinipensa si Pangulong Duterte

0
54

Sa halip na magalit ay idinipensa pa ni Garcia – Hernandez, Bohol Mayor Tita Baja Gallentes ang kontrobersiyal na panty joke ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa alkalde, hindi siya nabastusan sa mga naging pahayag ng pangulo dahil malinaw naman na biro lamang ito.

Aniya, sa kabila ng mga pagbatikos sa naging pahayag ng pangulo ay nanatili pa rin ang isang daang porsyentong pagsuporta niya sa dito.

Una nang sinabi ng Malakanyang na kilalang mapagbiro ang pangulo at ito rin ang madalas na inaasahan sa kanya ng publiko.