Mahigit 400 guro sa Lanao Del Sur umatras bilang BEI

0
38

Mahigit 400 mga guro mula sa Lanao Del Sur ang umatras na bilang Board of Election Inspector.

Ayon Police Col. Madzgani Muksan Mukaram, hepe ng Lanao Del Sur, kasunod ito ng natatanggap nilang banta ng pagpapasabog at panununog sa mga paaralan para hindi matuloy ang eleksiyon.

Sa kabila nito, matutuloy pa rin ang halalan dahil papalitan ang naturang mga guro ng mga pulis na nag training para maging BEI.

Nadagdagan naman ng mahigit 1,000 pulis at sundalo sa lugar upang masigurong ang seguridad sa mga presinto.