Suplay ng kuryente sa darating na eleksyon sapat ayon sa DOE

0
48

Tiniyak ng Department of Energy na sapat ang suplay ng kuryente sa buong linggo ng eleksyon.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella, wala silang nakikitang problema sa suplay mula ngayong araw hanggang Mayo 16.

Bagamat inaasahan aniya nila na tataas ang demand matapos ang holiday, posible lamang na      makaranas ng yellow alert sa Mayo 14 ngunit hindi naman ito magdudulot ng brownout.

Samantala, ipinabatid naman ng Meralco na naka-standby na ang kanilang interruptible load program para magsilbing backup kung sakali mang magkaroon ng red alert sa linggo ng eleksyon.