ASG posibleng nasa likod ng pagpapasabog sa Sulu – AFP

0
51

Posibleng Abu Sayyaf ang nasa likod ng nangyaring pagpapasabog sa Indanan Sulu, Kahapon.

Ito ayon kay Wesmincom o West Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas, kung saan tiniyak rin nito na patuloy ang isinasagawang Hot Pursuit Operations ng Philippines Army laban sa mga nasa likod ng naturang pagsabog.

Dahil dito, sinabi naman ni Encinas na maliban sa umiiral na Martial Law ay naka Red Alert na rin ang buong tropa ng Militar.

Samantala, hindi pa naman isinasapubliko ng Militar ang pagkakilanlan ng mga nasawi habang patuloy pa rin ang kanilang isinasagawang imbestigasyon.