Saturday, May 18, 2024

DILG tiniyak na hindi aabandonahin ang mga pinabayaang NPA

- Advertisement -

“Hindi namin kayo aabandonahin.”

Ito ang naging pagtitiyak ni Dept. of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año kaugnay ng report na pinabayaan ng NPA ang isang dating rebelde na miyembro ng naturang grupo.

Ayon kay Año, hindi katulad ng NPA ang pamahalaan dahil kailanman ay hindi nito pababayaan ang mga Pilipino bagkus ay tutulungan pa nito ang mga rebelde na magbagong buhay.

Dagdag pa ni Año dapat magising sa katotohanan ang lahat ng sumasapi sa NPA, dahil walang pakialam ang rebeldeng grupo sa kapakanan ng sinuman.

Aniya, ang tanging nais lamang ng NPA ay maghasik ng kaguluhan, at magpalaganap ng terorismo.

Sa naganap na pagdinig ng Senado, isiniwalat ng isang Alem na dati siyang miyembro ng npa ngunit inabandona  na lamang siya ng naturang grupo matapos niyang magdalang tao.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -