29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Duterte hindi mapapa-impeach – Palasyo

- Advertisement -

Kumpiyansa ang Malacañang na hindi uusad ang anumang ihahaing impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, kung saan nanindigan ito na walang malakas na kaso na maisasampa ang mga kritiko laban sa pangulo.

Una rito, ibinabala naman ni dating Foreign Affairs Sec. Albert Del Rosario na isang impeachable offense ang pagpayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapangisda ang china sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Kaugnay nito, tiwala rin naman si Nograles na mababaw ang naturang alegasyon laban sa pangulo dahil malinaw na iniiwasan lamang nito na magkaroon ng gulo sa pagitan ng Pilipinas at China.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -