Monday, May 6, 2024

6 sugatan makaraang sumalpok sa isang kongkretong poste ang SUV sa Barangay Boalan Zamboanga City.

- Advertisement -

Sugatan ang anim na magkakamag-anak makaraang sumalpok sa isang kongkretong poste ang sinasakyan nilang  SUV sa Barangay Boalan, Zamboanga City.

Ayon kay Police Staff Sgt. Marlon Fernando, Traffic Investigator Ng Police Station 5, muntik nang madaganan ng natumbang poste ang isang batang babae habang nagtamo ng minor injuries ang mga sakay ng SUV.

Sinasabing sa lakas ng impact ay bumagsak ang poste sa isang katabing tindahan.

Sa paunang imbestigasyon, pumutok ang isa sa mga gulong ng sasakyan dahilan upang mawalan ng kontrol dito ang driver na nagresulta sa naturang aksidente.

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img