Duterte nakatakdang muling bumisita sa China sa Agosto 28

0
49

Nakatakda na sa darating na Agosto 28 hanggang Setyembre 2 ang muling pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.

Ito mismo ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan ito na ang ika-limang beses na magtutungo ang pangulo sa naturang bansa.

Matatandaang kamakailan lamang ng kumpirmahin rin ni Panelo na igigiit ng Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jin Ping ang naipanalong arbitral ruling ng Pilipinas sa claim nito sa West Philippine Sea.

Una rito, sinabi naman mismo ni Pangulong Duterte na nais rin niyang talakayin ang planong joint exploration sa pinag-aagawang teritoryo at ang ‘Recto Bank incident’ na kinasangkutan ng Chinese fishing vessel at ng mga mangingisdang Pilipino.