33.2 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Binabantayang LPA patuloy na magdadala ng ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao

- Advertisement -

Patuloy na magdadala ng ulan sa bahagi ng Visayas at Mindanao ang binabantayang low pressure area (LPA) sa silangan ng Mindanao.

Batay sa datos ng PAGASA, huling namataan ang nasabing sama ng panahon sa layong 195 kilometro silangan hilagang silangan ng Davao City.

Ayon pa sa PAGASA, malaki ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang nasabing LPA ngayong linggo at maapektuhan nito ang katimugang bahagi ng Palawan.

Dahil dito, sinabi ng PAGASA na asahan na ang mga pag-uulan na may kasamang pagkulog at pagkidalat sa buong bahagi ng Eastern Visayas at Mindanao.

Habang makakaranas naman ng kalat kalat na pagulan bunsod ng mga localized thunderstorm ang nalalabi pang bahagi ng Visayas.

Asahan naman ang mahihinang pag-ulan sa buong Luzon dahil sa northeast monsoon o amihan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -