Saturday, May 4, 2024

FEJODAP sa pasyang modern jeepney lang ang makakabiyahe sa GCQ: ‘Tatanggalin na nila kami sa kalsada’

- Advertisement -

Kumbinsido ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) na gagamitin ng pamahalaan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic upang tuluyan nang matanggal sa kalsada ang tradisyunal na jeepneys.

Ipinahiwatig ito ni Zeny Maranan, pangulo ng FEJODAP, sa harap ng pasya ng pamahalaan na tanging ang mga modern jeepney lamang ang papayagang makabiyahe sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Tiniyak ni Maranan na mayroon silang nakalatag na safety measures laban sa COVID-19 tulad ng kalahating kapasidad lamang ng jeepney ang isasakay; pagbabayad ng pasahero sa terminal pa lamang; pagsusuot ng gloves ng driver; at paglalagay ng plastic na harang sa pagitan ng mga pasahero at ng driver.

Tatanggalin na kami, ang jeep naming hindi na papalabasin –hindi pa binibigay an gaming ayuda sa kasalukuyan hanggang ngayon, wala pa silang ibinibigay. Kaya ang hindi naming maintindihan kung bakit inuuna nila ‘yung iba na lumabas, samantalang kami ‘yung kailangan ng ating mga mamamayan na magtatrabaho na sa mga factory o kung saan mang opisina ‘yan na bubuksan, na pinakamababang pamasahe, na hindi humihingi ng pagtaas ng pasahe,” ani Maranan.

Hinamon ni Maranan ang gobyerno na kung talagang ayaw na silang palabasin sa kalsada ay bilhin na lamang sa kanila ang kanilang mga jeepney.

Bayaran nalang nila ang bawat jeep namin ng P200,000. Hindi nga kami humihingi ng malaki, dahil nagsabi si Congressman Fernando noong araw, noong naghi-hearing kami sa Congress –dapat kalahating milyon ang ibabayad sa inyo. Imposible po na ang gobyerno ay maglaglag ng ganoon kalaking halaga para sa ming hanay, kaya P200,000 nalang. Sa P200,000 na ‘yan, bahala na itong operator, bahala na itong driver kung papaano sila mabubuhay dito sa halaga na ito pagkat patitigilin na nila ‘yung mga sasakyan,” ani Maranan.

Matatandaan na tutol ang maraming jeepney associations sa jeepney modernization dahil umaabot sa halos P2-milyon ang halaga ng isang modern jeepney. —sa panayam ng Ratsada Balita

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img