Thursday, May 2, 2024

‘Excellent’ rating ng Anti-drug war ng pamahalaan sampal sa mga kritiko ng pangulo —Panelo

- Advertisement -

Maituturing na sampal sa mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panibagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) kung saan lumabas na 82% ng mga Pilipino ang kuntento sa anti-drug war campaign ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, labis nilang ikinatuwa ang inilabas na survey ng SWS dahil patunay lamang ito na ramdam ng taumbayan ang pagbabagong itinataguyod ng pangulo.

Aniya, isa rin itong sampal sa mga bansang nanghihimasok sa soberanya ng Pilipinas na nagkukunwaring nababahala sa kapakanan ng mga Pilipino.

Hamon pa ni Panelo sa mga kritiko ng pamahalaan, maglabas ng ebidensya na magpapatunay na umabot na sa mahigit 20,000 katao ang namatay dahil sa anti-drug war campaign.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img