Friday, May 3, 2024

Ex-senate pres. Nene Pimentel nasa stable nang kondisyon matapos isugod sa ospital

- Advertisement -

Nasa stable nang kondisyon si dating senate president Aquilino Nene Pimentel Jr. matapos isugod sa hospital dahil sa pneumonia simula pa noong nakaraang linggo.

Ayon kay Human Rights Commissioner Gwen Pimentel Gana, maayos na ang vital signs at kalagayan ng kanilang ama matapos namang tanggalan ito ng tubig sa baga.

Gayunman, nananatili pa rin aniya ang dating senador sa ICU o Intensive Care Unit para matutukan ng husto ang kalagayan nito.

Dagdag ni Pimentel – Gana, hindi muna sila tatanggap ng mga bisita para hindi aniya ma-stress ang kanilang ama.

Patuloy namang humihingi ng dasal ang pamilya Pimentel para sa tuluyang pagbuti ng kondisyon ng dating senador.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img