35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Ex-Laguna gov. Ejercito hinatulang guilty sa graft case

- Advertisement -

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Laguna governor Emilio Ramon “E.R.” Ejercito para sa kasong graft na kinakaharap nito.

Sa inilabas na desisyon ng anti-graft court ng Sandiganbayan Fourth Division, pinatawan si Ejercito ng anim hanggang walong taong pagkaka-kulong dahil sa mga ma-anomalyang insurance deal na inaprubahan nito noong nagsilbi siya bilang alkalde ng Pagsanjan sa Laguna taong 2008.

Kaugnay nito, diskwalipikado rin naman si Ejercito na ma-upo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Samantala, pinahintulutan naman ng korte si Ejercito na makapag-lagak ng 30,000 cash bond para sa pansamantala nitong kalayaan.

Sa ngayon, maari namang umapela si Ejercito sa naging desisyon ng korte hinggil sa kaniyang kaso.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -