29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Ilang senador hindi kumbinsido sa bantang revolutionary war ni Pangulong Duterte

- Advertisement -

Naniniwala ang ilang senador na hindi tototohanin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta nitong suspindihin ang writ of habeas corpus at pagdeklara ng revolutionary war.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, posibleng nabigla lamang ang pangulo at mapagtatanto rin nito ang kaniyang naging banta kapag bumuti na ang mga programa ng pamahalaan kontra kriminalidad.

Kaugnay nito, sinabi rin naman ni Sen. Panfilo Lacson na tiwala siyang alam mismo ni Pangulong Duterte na hindi niya maaring ipatupad ang naturang hakbang.

Una rito, matatandaang ibinabala ni Pangulong Duterte na sususpindihin nito ang writ of habeas corpus sa oras na maubos ang kaniyang pasensiya sa patuloy na paglaganap ng iligal na droga at paglala ng kriminalidad sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -