4 na bata patay sa pagtama ng bomba sa ospital sa Yemen

0
45

Apat na bata ang patay sa pagtama ng bomba sa isang ospital sa Northwest Yemen na kumitil rin sa buhay ng tatlong iba pa.

Ayon sa Save the Children, isang international organization, maliban sa mga bata, kabilang rin sa mga nasawi ilang staff ng ospital.

Kamakailan lamang ay iniulat ng save the children na umaabot sa 37  batang Yemeni ang namamatay o nasusugatan kada buwan dahil sa bomba.