Isang opisyal ng Philhealth sumailalim sa lifestyle check

0
67

Isang opisyal ng Philhealth ang sumailalim sa lifestyle check kasunod ng ikinasang imbestigasyon laban sa imbestigasyon ng multi bilyong pisong korupsiyon sa loob ng ahensiya.

Ayon sa PACC o Presidential Anti – Corruption Commission, nagsumite ng kanyang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth si Philhealth Regional Office Division Chief Arlan Granali.

Sinabi ni Granali na bukod sa kanyang SALN ay isusumite rin niya sa PACC ang kanyang mga bank accounts bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte at patunayan na wala siyang itinatago.

Si Granali ang kauna unahang opisyal ng Philhealth na nagpasailalim sa lifestyle check kasunod na rin ng naging pagbubulgar na mayroong bilyong pisong halaga na ibinayad sa ilang dialysis center para sa ghost claims.