Erwin Tulfo welcome pa rin sa Camp Crame

0
46

Welcome pa rin ang brodkaster na si Erwin Tulfo, sa Camp Crame.

Ito ay sakabila ng naging deklarasyon ng Phil. Military Academy-Alumni Association Inc., kung saan idineklara nitong persona non grata si Tulfo.

Ayon kay PNP Spokesman Col. Bernard Banac, maari pa rin namang pumasok si Tulfo sa himpilan ng pulisya, katulad ng sinumang mamamayan.

Anya, maari pa rin namang makipag-transaksyon si Tulfo sa PNP, lalo na’t kung tungkol ito sa renewal ng kaniyang license to own and possess firearms.

Matatandaang, nag-ugat ang desisyon ng PMA-AAI laban kay Tulfo sa insidente ng pagbanat nito kay dating AFP General At kasalukuyang DSWD Sec. Rolando Bautista.