PNP suportado ang plano ng Pangulong Duterte bumuli ng mga armas sa Estados Unidos

0
53

Suportado ng PNP o Phil. National Police ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumili muli ng mga armas mula sa Estados Unidos.

Ito ang kinumpirma ni PNP Spokesman Col. Bernard Banac, kung saan sinabi nito na makatutulong ang naturang hakbang upang mapalawak ang posibleng suppliers na maaring sumali sa Public Bidding ng mga kagamitan.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang pagkokonsidera na muling bumili ng armas sa Estados Unidos, bunsod ng pagbabago ng ilang polisiya ni U.S. President Donald Trump.

Samantala, sinabi rin naman DND Spokesman Dir. Arsenio Andolong, na suportado nila ang hakbang na ito ng punong ehekutibo.

Maliban sa mga armas, posible rin namang bumili ang pamahalaan ng iba pang military hardwares sa Estados Unidos.